Friday 27 September 2013

Rockovery for Siki! Dapat masaya ang buhay!


Chiqui or Siki as fondly called by her colleagues at Y&R (her life for the past 25 years), has been called home by the Creator last 27th Sept 2013 at around 7pm due to cancer. Perhaps, heaven needs her more: friendliness, simple smile and infectious laughter, chikahan and asaran. Kulang kasi ng magandang singing, kalog angel sa heaven, kaya siya tinawag.

Never a boring or tiring office day with her. Surely, she will make you smile, laugh and forget about your worries and cares, siya ang ilaw ng Y&R, gamot sa puso for a meaningful life. Definitely a true friend in every sense of the word, she's dependable and can keep secrets. Puede kang humingi ng payo, and she will give you sensible advice. Once you get to know her well, ikaw  ang uulanin niya ng tanong, tungkol sa personal life mo. Kaya I returned the favor by asking her personal questions too, and she answered w/o batting an eyelash. 

Alam niyo rin bang si Chiqui ay fashionista (magaling magdala ng damit at sexy tlga on skirt) at health buff (hindi yan kumakain ng baka, baboy, kurot lang pag sweets and junk food) kaya naman tinaguriang hot momma yan! Mahilig yan biruin ni Jun B. at ni (forgot name). In fact,  napagkamalan ko pa siyang 38 years old noong 2011! I don't know her real age.

Sa totoo lang, ngayon lang akong umiyak ng ganito kahit pa sandali ko lang nakasama si Chiqui. Ibig sabihin lang nyan ay, lasting ang impact ni Chiqui! Pretty sure gusto ni Siki na masaya tayo at nagtatawanan. Ganyan siya eh! I know you'll be forever smiling, laughing and watching us, your past & present Y&R family. Nalaman ko na hanggang sa huli, Chiqui gave her best for the company, kahit mahina na, pumapasok parin. Until 1 week later, when she was rushed to the hospital because she can no longer stand the pain. 

Si Chiqui na ayaw magpa abala hanggang sa huli at sandyang ma-sekreto (I didn't know her illness until I was invited by Sab on FB for the Rockovery Concert at parang hindi rin alam ng ate niyang nasa US). Kami naman ang mag-aabala. Dahil mahal kita, at mahal ka naming lahat. Kahit matagal tayong di nag-usap at nagkita after I left the company, you were always a dear sister and friend to me. Hindi man ako nakapunta sa concert mo, I hope that my contribution helps.

To the Y&R managers and admins, sa tagal po ng panunungkulan ni Chiqui, 25 years of her life, dapat lang po na TIMES 2-3 ang makuha niyang retirement package (para po ito sa nag iisang anak niya na nasa college- magagamit niya ito pang-aral.) Wala po gagabay at susuporta sa binata dahil single parent si Chiqui, at ang lola ng bata ay 90 years old na po.

Kung wala po si Chiqui, matagal na tayong nasiraan ng ulo sa trabaho natin. Kung hindi lang ako nagmamadaling umalis patungong Singapore noon, I would have stayed because of Chiqui, kasi she's my guiding light in that office. She made everything lighter kahit na gusto ko ng sakalin yun cliente na saksakan ng tigas ng ulo at bastos. 

Chiqui "Siki" Mendoza, I know you are forever smiling, laughing and watching your past and present Y&R family. Nagagalak akong makilala ka at maging parte ng buhay ko. Salamat! 

No comments:

Post a Comment